Zacarias 14:4
Sa araw na iyon, tatayo ang kaniyang mga paa sa Bundok ng mga Olibo, na nasa tabi ng Jerusalem sa silangan. Ang Bundok ng mga Olibo ay mahahati sa pagitan ng silangan at ng kanluran sa pamamagitan ng isang napakalaking lambak, at kalahati ng bundok ay maililipat sa dakong hilaga at ang kalahati sa dakong timog.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 15:30Pero umakyat si David nang nakapaa at umiiyak paakyat sa Bundok ng mga Olibo, at tinakpan niya ang kaniyang ulo. Tinakpan ng bawat isang mga taong kasama niya ang kanilang ulo at umakyat silang umiiyak habang naglalakad.
Ezekiel 11:23At umakyat ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa loob sa gitna ng lungsod at tumayo sa bundok sa silangan ng lungsod.
Ezekiel 47:1At dinala ako ng lalaki pabalik sa pasukan ng templo at masdan ninyo! Umaagos ang tubig mula sa ilalim ng bungad ng tahanan ng templo sa gawing silangan, sapagkat nakaharap sa silangan ang harapan ng templo at umaagos ang tubig sa gawing timog ng templo, sa may kanan ng altar.
Micah 1:3Tingnan ninyo, lalabas si Yahweh sa kaniyang lugar; bababa siya at tatapakan ang mga dambana ng pagano sa lupa.
Nahum 1:5Nayayanig ang mga bundok sa kaniyang presensiya at natutunaw ang mga burol; nagsisiguho ang lupa sa kaniyang presensiya, sa katunayan, ang sanlibutan at ang lahat ng taong nabubuhay dito.
Zechariah 4:7'Ano ka, malaking bundok? Magiging isa kang kapatagan sa harapan ni Zerubabel at ilalabas niya ang itaas na bato upang sumigaw ng, “Biyaya! Biyaya!”'”