Zechariah 2:6
Oy! Oy! Tumakas kayo mula sa lupain ng hilaga'— ito ang pahayag ni Yahweh, 'sapagkat ikinalat ko kayo tulad ng apat na hangin sa himpapawid!' Ito ang pahayag ni Yahweh,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
7'Oy! Tumakas kayo papuntang Zion, kayong mga naninirahan kasama ng mga anak na babae ng Babilonia!”'
Cross References
Genesis 19:17Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki, “Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol.
Ruth 4:1Ngayon umakyat si Boaz sa tarangkahan at umupo roon. Maya-maya, dumaan ang malapit na kamag-anak na nabanggit ni Boaz. Sinabi ni Boaz sa kaniya, “Aking kaibigan, lumapit ka at maupo rito.” Lumapit ang lalaki at umupo.
Isaiah 52:11Umalis kayo, umalis kayo, lumabas kayo roon; huwag kayong humipo ng kahit anong maruruming bagay; umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan; dalisayin ninyo ang inyong mga sarili, kayong mga nagdadala ng mga sisidlan ni Yahweh.
Jeremiah 1:14Sinabi sa akin ni Yahweh, “Kapahamakan ang mangyayari sa lahat ng naninirahan sa lupaing ito na magmumula sa hilaga.”
Jeremiah 15:4Gagawin ko sa kanila ang mga katakut-takot na bagay sa lahat ng mga kaharian sa daigdig, sa pananagutan ni Manases na anak ni Hezekias na hari ng Juda dahil sa ginawa niya sa Jerusalem.
Jeremiah 31:10“ Dinggin ninyo mga bansa ang salita ni Yahweh. Ibalita sa mga baybayin na nasa kalayuan. Kayong mga bansa, dapat ninyong sabihin, “Ang nagkalat sa Israel ang nagtitipon at nag-iingat sa kaniya kagaya ng pag-iingat ng isang pastol sa kaniyang tupa”