Zechariah 4:2
Sinabi niya sa akin, “Ano ang nakikita mo?” Sinabi ko, “Nakikita ko ang isang patungan ng lampara na gawa lahat sa ginto, may isang mangkok sa ibabaw nito. May pito itong lampara at pitong mitsa sa ibabaw ng bawat lampara.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 37:17Gumawa siya ng ilawan na purong minartilyong ginto. Gumawa siya ng ilawan kasama ng tuntungan at baras nito. Ang mga baso nito, ang madahong tuntungan nito at mga bulaklak nito ay ginawa lahat sa isang piraso na kasama nito.
1 Kings 7:49Ang patungan ng ilaw, lima sa kanan at lima sa kaliwa, sa harap ng panloob na silid ay gawa sa purong ginto, at ang mga bulaklak, ang mga ilawan, at ang mga pang-ipit ay ginto.
2 Chronicles 4:7Ginawa niya ang gintong patungan ng ilawan na ginawa ayon sa tagubilin para sa disenyo ng mga ito; inilagay niya ang mga ito sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa.
2 Chronicles 13:11Nagsusunog sila sa bawat umaga at gabi ng mga alay na susunugin at mga mababangong insenso para kay Yahweh. Sila rin ay naghahanda ng tinapay na handog sa ibabaw ng dinalisay na hapag. Sinisindihan rin nila ang ilawang gintong patungan upang ang mga ito ay magliwanag sa bawat gabi. Sinusunod namin ang mga kautusan ni Yahweh na aming Diyos, ngunit tinalikuran ninyo siya.
Jeremiah 1:11Dumating ang salita ni Yahweh sa akin na nagsasabi, “Ano ang iyong nakikita Jeremias?” Sinabi ko, “Nakikita ko ang sanga ng almendra.”
Amos 7:8Sinabi ni Yahweh sa akin. “Amos, ano ang nakikita mo?” sinabi ko, “Isang hulog.” Pagkatapos sinabi ng Panginoon, “Tingnan mo, ilalagay ko ang isang hulog kasama ng aking mga taong Israelita. Hindi ko na sila kaaawaan pa.