Zacarias 6:12
Kausapin mo siya at sabihin, 'Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: “Ang lalaking ito, Sanga ang kaniyang pangalan! At lalago siya kung nasaan siya at itatayo niya ang templo ni Yahweh!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezra 3:8At sa ikalawang buwan ng ikalawang taon matapos na magpunta sila sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem, si Zerubabel, si Josue na lalaking anak ni Jozadak, ang iba pang mga pari, ang mga Levita, at ang mga nanggaling sa pagkakabihag pabalik sa Jerusalem ay nagsimula sa paggawa. Itinalaga nila ang mga Levitang dalawampung taong gulang pataas upang pangasiwaan ang gawain sa tahanan ni Yahweh.
Psalms 80:15Ito ang ugat na itinanim ng iyong kanang kamay, ang usbong na pinalago mo
Isaiah 11:1Isang sibol ang magmumula sa ugat ni Jesse, at ang isang sanga mula sa kaniyang ugat ang magbubunga.
Isaiah 53:2Dahil lumaki siya sa harapan ni Yahweh gaya ng isang supling, at gaya ng isang usbong sa tigang na lupa; wala siyang taglay na kapansin-pansin na hitsura o kaningningan; noong makita namin siya, walang kagandahan para kami ay maakit.
Jeremiah 33:15Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon, gagawa ako ng isang matuwid na sanga na magmumula sa lahi ni David, at kaniyang ipatutupad ang katarungan at katuwiran sa lupain.
Micah 5:5Siya ang magiging kapayapaan natin. Kung darating ang mga taga-Asiria sa ating lupain, kapag nagmartsa sila laban sa ating mga tanggulan, tatayo tayo laban sa kanila, pitong pastol at walong pinuno ng mga kalalakihan.