Zacarias 6:11
At kunin mo ang pilak at ginto, gumawa ka ng isang korona at ilagay mo ito sa ulo ng pinakapunong pari na si Josue na anak ni Jehozadak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:6Dapat mong itakda ang turbante sa kaniyang ulo at ilagay ang banal na korona sa turbante.
Leviticus 8:9Inilapat niya ang turbante sa ibabaw ng kaniyang ulo, at sa ibabaw ng turbante, sa harapan, inilagay niya ang gintong plato, ang banal na korona, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya.
Psalms 21:3Dahil dinadalhan mo siya ng mayamang mga pagpapala; inilagay mo sa kaniyang ulo ang pinakadalisay na gintong korona.
Haggai 1:1Sa ikalawang taon ni haring Dario, sa unang araw ng ikaanim na buwan, dumating ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Hagai na propeta para sa gobernador ng Juda na si Zerubabel na anak ni Sealtiel, at sa pinakapunong pari na si Josue na anak ni Josadac, at sinabi,
Haggai 2:4Ngayon, magpakatatag ka, Zerubabel!' -ito ang pahayag ni Yahweh- at magpakatatag ka, punong paring Josue anak ni Josadac; at magpakatatag kayong lahat na mga tao sa lupain!'—ito ang pahayag ni Yahweh— 'at gumawa kayo sapagkat kasama ninyo ako! —ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.
Zechariah 3:5Sinabi niya, “Suotan ninyo siya ng malinis na turbante sa kaniyang ulo!” Kaya sinuotan nila si Josue ng isang malinis na turbante sa kaniyang ulo at binihisan siya ng malinis na kasuotan habang nakatayo sa tabi ang anghel ni Yahweh.