Zacarias 7:12
Ginawa nilang kasing tigas ng bato ang kanilang mga puso upang hindi nila marinig ang kautusan o ang mga salita ni Yahweh ng mga hukbo. Ipinadala niya ang mga mensaheng ito sa mga tao sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu noong unang panahon, sa pamamagitan ng bibig ng mga propeta. Ngunit tumangging makinig ang mga tao, kaya nagalit sa kanila si Yahweh ng mga hukbo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 7:13Ang puso ni Paraon ay tumigas, at hindi siya nakinig, tulad ng naunang pinahayag ni Yahweh.
Nehemiah 9:29Binalaan mo sila para manumbalik sila sa iyong batas. Pero kumilos sila nang may pagmamataas at hindi nakinig sa iyong mga kautusan. Sila ay nagkasala laban sa iyong mga kautusan na nagbibigay ng buhay sa sinumang sumusunod dito. Hindi nila sinunod ang mga iyon, at hindi nila ito binigyan ng pansin, at tinanggihan nilang makinig sa mga iyon.
Psalms 50:17gayong ang aking tagubilin ay inyong kinamumuhian at ang aking mga salita ay inyong itinatapon?
Isaiah 48:4Dahil alam kong matigas ang ulo ninyo, kasing tigas ng bakal ang mga leeg ninyo, at parang tanso ang inyong noo,
Jeremiah 5:3Yahweh, hindi ba't tumitingin ka sa katapatan? Hinampas mo ang mga tao ngunit hindi sila nakaramdam ng sakit. Ganap mo silang nilipol, ngunit tumanggi pa rin silang tanggapin ang iyong pagdidisiplina. Ginawa nilang mas matigas kaysa sa bato ang kanilang mga mukha sapagkat tumanggi silang magsisi.
Jeremiah 17:1“Ang kasalanan ng Juda ay nasulat gamit ang isang panulat na bakal na may diyamante sa dulo. Ito ay nakaukit sa kanilang mga puso at sa mga sungay ng inyong mga altar.