Zacarias 8:14
“Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo:' Gaya ng aking binalak na saktan kayo nang galitin ako ng inyong mga ninuno at hindi ako naglubag ng loob,' sinabi ni Yahweh ng mga hukbo,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:16Ngunit kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Yahweh ay nagsimula laban sa kaniyang mga tao hanggang sa ito ay hindi na maiiwasan.
Isaiah 14:24Nanumpa si Yahweh ng mga hukbo, “Sigurado, gaya ng nais ko, mangyayari iyon; at gaya ng layunin ko, mangyayari iyon:
Jeremiah 15:1At sinabi sa akin ni Yahweh, “Kahit na tumayo sa aking harapan si Moises o si Samuel, hindi pa rin ako maaawa sa mga taong ito. Paalisin sila sa aking harapan para makapunta sa malayo.
Jeremiah 29:11Sapagkat ako mismo ang nakakaalam ng mga plano na mayroon ako para sa inyo, mga plano para sa kapayapaan at hindi para sa sakuna, upang bigyan kayo ng isang kinabukasan at pag-asa. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Ezekiel 24:14Ako, si Yahweh, ipinahayag na mangyayari ito, at gagawin ko ito! Hindi ako magbabalik-loob ni manghihinayang dito. Gaya ng inyong mga pamamaraan, at ayon sa iyong mga gawain, hahatulan ka nila! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
Zechariah 1:6Ngunit ang aking mga salita at mga kautausan na iniutos ko sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi ba nito naabot ang inyong mga ama? Kaya nagsisi sila at sinabi, “Gaya ng binalak gawin sa atin ni Yahweh ng mga hukbo dahil sa ating mga salita at gawain, kaya niya ginawa sa atin.”