The Bible Software
bible.softwareZacariasZacarias 9 › Zacarias 9:6

Zacarias 9:6

Sinabi ni Yahweh, “Gagawa ang mga dayuhan ng kanilang mga tahanan sa Asdod at aalisin ko ang kayabangan ng mga Filisteo.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And a bastard shall dwell in Ashdod, and I will cut off the pride of the Philistines.

In Context

5Makikita ng Ascalon at matatakot! Labis din na manginginig ang Gaza! Mabibigo ang pag-asa ng Ekron! Mamamatay ang hari mula sa Gaza at wala nang maninirahan sa Ascalon!

7Sapagkat aalisin ko mula sa kanilang mga bibig ang kanilang dugo at ang kanilang mga kasuklam-suklam mula sa pagitan ng kanilang mga ngipin.'' At sila ang malalabi para sa ating Diyos tulad ng isang angkan sa Juda, at magiging katulad ng mga Jebuseo ang Ekron.

Read all of Zacarias 9

Cross References

Ecclesiastes 6:2Maaaring magbigay ang Diyos ng kayamanan, kasaganaan at karangalan sa isang tao upang hindi siya magkulang sa mga hinahangad niya para sa kaniyang sarili, ngunit pagkatapos, hindi ibibigay ng Diyos ang kakayahan upang magsaya sa mga ito. Sa halip, iba pa ang makikinabang ng kaniyang mga kagamitan. Ito ay parang singaw, isang masamang kalungkutan.

Isaiah 23:9Si Yahweh ng mga hukbo ang nagplano nito para ilagay sa kahihiyan ang kaniyang pagmamataas at lahat ng kaniyang kaluwalhatian, para ipahiya ang lahat ng kaniyang pinarangalan sa lupa.

Daniel 4:37Ngayon, ako, si Nebucadnezar ay nagpupuri, nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit, sapagkat matuwid ang lahat ng kaniyang mga gawa, at makatarungan ang kaniyang mga pamamaraan. Kaya niyang ibaba ang mga namumuhay sa kanilang sariling kapalaluan.

Zephaniah 2:10Mangyayari ito sa Moab at Amon dahil sa kanilang pagmamataas, sapagkat hinamak at kinutya nila ang mga tao ni Yahweh ng mga hukbo!

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Zacarias 9:6

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Zacarias 9:5Zacarias 9Zacarias 9:7 →