Zacarias 9:7
Sapagkat aalisin ko mula sa kanilang mga bibig ang kanilang dugo at ang kanilang mga kasuklam-suklam mula sa pagitan ng kanilang mga ngipin.'' At sila ang malalabi para sa ating Diyos tulad ng isang angkan sa Juda, at magiging katulad ng mga Jebuseo ang Ekron.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 17:34Pero sinabi ni David kay Saul, “Isang tagapangalaga ng tupa ng kanyang ama ang iyong lingkod. Kapag dumating ang isang leon o oso at kinuha ang isang kordero sa kawan,
2 Samuel 24:18Pagkatapos pumunta si Gad nang araw na iyon kay David at sinabi sa kaniya, “Umakyat ka at gumawa ng altar para kay Yahweh sa giikan ni Arauna na Jebuseo.”
1 Chronicles 11:4Si David at lahat ng Israelita ay nagtungo sa Jerusalem (iyan ay Jebus). Ngayon, naroon ang mga Jebuseo, na naninirahan sa lupain na iyon.
Psalms 3:7Bumangon ka, Yahweh! Iligtas mo ako, aking Diyos! Dahil sasaktan mo ang lahat ng aking mga kalaban sa panga; sisirain mo ang mga ngipin ng masasama.
Isaiah 11:12Maglalagay siya ng bandila para sa mga bansa at titipunin ang mga taga-Israel at Juda na tinapon mula sa apat na sulok ng mundo.
Isaiah 49:22Ito ang sinasabi ni Yahweh na ating Panginoon, “Tingnan mo, itataas ko ang aking kamay sa mga bansa; itataas ko ang aking bandilang panghudyat sa mga tao. Dadalhin nila ang mga anak mong lalaki sa kanilang mga bisig at bubuhatin nila ang mga anak mong babae sa kanilang mga balikat.