Zefanias 2:1
Bansang walang kahihiyan, magtulungan kayo at magtipun-tipon,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Gather yourselves together, yea, gather together, O nation not desired;
In Context
Cross References
Nehemiah 8:1Ang lahat ng tao ay nagtipon-tipon para sa isang layunin sa liwasan sa harap ng Tarangkahan ng Tubig. Sinabi nila kay Ezra, ang eskriba na dalhin ang Aklat na Batas ni Moises, na iniutos ni Yahweh sa Israel.
Esther 4:16“Pumunta ka, tipunin mo ang lahat ng mga Judio na naninirahan sa Susa, at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom ng tatlong araw, gabi o araw. Ako at ang aking mga kabataang babae ay mag-aayuno sa parehong paraan. Pagkatapos pupunta ako sa hari, kahit na labag ito sa batas. At kung ako ay mamatay, ako ay mamamatay.”
Isaiah 1:10Dinggin niyo ang salita ni Yahweh, kayong mga tagapamahala ng Sodoma; makinig kayo sa batas ng ating Diyos, kayong bayan ng Gomorra:
Jeremiah 3:3Kaya pinigilan ko ang pagbuhos ng ulan ng tagsibol at hindi na pumatak ang huling ulan. Ngunit mapagmataas ang iyong mukha, gaya ng mukha ng babaing bayaran. Tinanggihan mong maramdaman ang kahihiyan.
Jeremiah 12:7Pinabayaan ko ang aking tahanan at tinalikuran ang aking mana. Ibinigay ko ang aking mga minamahal na tao sa mga kamay ng kaniyang mga kaaway.
Joel 2:12“Gayon pa man,” sinabi ni Yahweh, “Manumbalik kayo sa akin nang buong puso. Mag-ayuno kayo, tumangis at magdalamhati.”