1 Mga Cronica 1:14
Siya din ang naging ninuno ng mga Jeboseo, Amoreo, Gergeseo,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The Jebusite also, and the Amorite, and the Girgashite,
In Context
13Si Canaan ay ama ni Sidon, ang kaniyang panganay na anak, at ni Het.
Cross References
Genesis 48:22Sa iyo, bilang isang nakahihigit sa iyong mga kapatid, ibibigay ko ang bundok na libis na nakuha ko mula sa Amoreo sa pamamagitan ng aking tabak at aking pana.”
Exodus 34:11Sundin ninyo kung ano ang iuutos ko sa inyo ngayon. Palalayasin ko sa harap ninyo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
Deuteronomy 7:1Kapag dinala kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lupain na inyong pupuntahan para angkinin at paalisin ang maraming mga bansa sa inyong harapan - ang mga anak ni Heth, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, ang mga Canaaneo, ang mga Perezeo, ang mga Heveo at ang mga Jebuseo-pitong bansang lalong malaki at malalakas kaysa sa inyo;
Joshua 3:10Sa pamamagitan nito malalaman ninyo na kasama ninyo ang buhay na Diyos at paaalisin mula sa inyong harapan ang mga Cananaeo, ang mga Heteo, ang mga Hivita, ang mga Perezeo, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, at ang mga Jebuseo.
Judges 1:21Pero hindi pinalayas ang mga tao ng Benjamin ang mga Jebuseong naninirahan sa Jerusalem. Kaya nanirahan sa Jerusalem ang mga Jebuseo kasama ang mga tao ng Benjamin sa araw na ito.
2 Samuel 21:2Ngayon hindi nagmula ang mga lahi ni Gibeon sa Israel; nagmula sila sa anumang natira ng mga Amoreo. Sumumpa ang mga tao ng Israel na hindi sila papatayin, subalit gayunpaman sinubukan silang lahat na patayin ni Saul sa kanyang kasigasig sa mga tao ng Israel at sa Judah.