1 Mga Cronica 12:38
Ang lahat ng mga kawal na ito, na handa para sa labanan, ay dumating sa Hebron na may matatag na hangarin na gawing hari si David sa buong Israel. Ang lahat ng iba pang Israelita ay sumang-ayon na gawing hari si David.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 49:8Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid na lalaki. Ang iyong kamay ay nasa leeg ng iyong mga kaaway. Yuyuko sa iyo ang mga anak na lalaki ng iyong ama.
1 Kings 8:61Kung gayon, hayaang ang iyong puso na maging totoo kay Yahweh ating Diyos, para lumakad sa kaniyang alituntunin at pagkaingatan ang kaniyang mga kautusan, mula sa araw na ito.
2 Kings 20:3“Pakiusap, Yahweh, alalahanin mo kung paano ako buong pusong lumakad ng tapat sa iyong harapan, at kung paano ko ginawa ang tama sa iyong paningin.” At tumangis ng malakas si Hezekais.
1 Chronicles 12:33Mula kay Zebulun ay may 50, 000 na lalaking mandirigma, na nakahanda para sa digmaan, na dala ang lahat ng sandata ng digmaan at handang ibigay ang hindi nahahating katapatan.
Psalms 101:2Lalakad ako sa daan ng katapatan. O, kailan ka lalapit sa akin? Lalakad ako ng may katapatan sa loob ng aking tahanan.
Ezekiel 11:19At bibigyan ko sila ng isang puso, at lalagyan ng bagong espiritu kapag lumapit sila sa akin; tatanggalin ko ang pusong bato mula sa kanilang laman at bibigyan ko sila ng isang pusong laman,