1 Mga Cronica 16:25
Sapagkat si Yahweh ay dakila at marapat na papurihan, at marapat siyang katakutan higit sa lahat ng ibang diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
For great is the LORD, and greatly to be praised: he also is to be feared above all gods.
In Context
Cross References
Exodus 15:11Sino ang katulad mo, Yahweh, sa mga diyos? Sino ang katulad mo, maluwalhati sa kabanalan, sa mga pagpupuri pinaparangalan, na gumagawa ng mga himala?
Psalms 76:7Totoong ikaw nga ay dapat katakutan; sino ang makakatagal sa iyong paningin kapag ikaw ay nagalit?
Psalms 89:7Siya ay Diyos na lubos na pinararangalan sa konseho ng mga banal at ang kamangha-mangha sa gitna ng lahat ng nakapalibot sa kaniya.
Psalms 145:3Dakila si Yahweh at karapat-dapat na papurihan; ang kaniyang kadakilaan ay hindi matatagpuan.
Jeremiah 5:22Hindi ba ninyo ako kinatatakutan o manginig sa aking harapan? Naglagay ako ng mga buhangin na hangganan sa dagat, isang patuloy na atas na hindi nito nilalabag, kahit na tumataas at bumababa ang dagat, hindi pa rin nito nilalabag. Kahit pa dumagundong ang mga alon nito, hindi nito nilalagpasan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 10:7Sino ang hindi matatakot sa iyo, hari ng mga bansa? Sapagkat ito ang karapat-dapat sa iyo, sapagkat wala kang katulad sa lahat ng matatalinong tao sa mga bansa o sa lahat ng kanilang mga maharlikang kaharian.