1 Chronicles 18:3
Sunod na tinalo ni David si Hadadezer, ang hari ng Zoba sa Hamat, habang naglalakbay si Hadadezer upang itatag ang kaniyang pamumuno sa Ilog Eufrates.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 15:18Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, “Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates—
1 Samuel 14:47Nang magsimula si Saul na mamuno sa Israel, nakipaglaban siya sa lahat ng kanyang mga kaaway sa bawat panig. Nakipaglaban siya sa Moab, sa mga tao ng Ammon, Edom, sa mga hari ng Zobah, at sa mga Filisteo. Saan man siya bumaling, nagpatupad siya ng parusa sa kanila.
2 Samuel 10:6Nang makita ng mga tao ng Ammon na sila ay naging isang masangsang na amoy kay David, nagpadala ng mga sugo ang mga tao ng Ammon at inupahan ang mga Arameo sa Bet Rehob at Soba, mga dalawampung libong sundalong naglalakad, at kasama ni haring Maaca ang isang libong kalalakihan, at mga tauhan ni Tob na may labindalawang libong kalalakihan.
Psalms 60:1O Diyos, itinakwil mo kami; nilupig mo kami; ikaw ay nagalit; ibalik mo aming muli sa aming kalagayan.