1 Mga Cronica 25:6
Lahat sila ay nasa patnubay ng kanilang mga ama. Sila ay mga musikero sa tahanan ni Yahweh, na may mga pompiyang at instrumentong may kuwerdas habang sila ay naglilingkod sa tahanan ng Diyos. Sina Asaf, Jeduthun at Heman ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 15:16Kinausap ni David ang mga pinuno ng Levita upang italaga ang kanilang mga kapatid na tumugtog ng mga instrumentong pangmusika, instrumentong may mga kuwerdas, mga alpa at mga pompiyang, tumugtog ng malakas at masayang itataas ang kanilang mga tinig.
1 Chronicles 15:22Si Quenanias na pinuno ng mga Levita sa pag-awit, ang namahala sa pag-awit dahil mahusay siya.
1 Chronicles 25:1Si David at ang mga pinuno ng manggagawa ng tabernakulo ay pumili ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun para sa ilang mga gawain na ito. Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may arpa, mga instrumentong may kuwerdas at mga pompiyang. Ito ang listahan ng mga kalalakihang gumawa ng gawaing ito:
2 Chronicles 23:13At tumingin siya, at masdan, ang hari ay nakatayo sa kaniyang haligi sa pasukan, at nasa tabi ng hari ang mga pinuno at mga taga-ihip ng trumpeta. Nagsasaya at umiihip ng mga trumpeta ang lahat ng tao sa lupain at ang mga mang-aawit ay tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika at nangunguna sa pagkanta ng papuri. At pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw, “Pagtataksil! Pagtataksil!”
Nehemiah 11:17Doon si Matanias na anak ni Mica na anak ni Zabdi, mula sa kaapu-apuhan ni Asaf, ang tagapangasiwa na nanguna sa panalangin ng pagpapasalamat, at si Bakbukuias, na pangalawa sa kaniyang mga kasamahan, at si Abda na anak ni Samua na anak ni Galal na anak ni Jeduthun.
Nehemiah 12:46Sa mahabang panahon, sa mga araw ni David at Asaf, ay mayroong mga tagapamahala ng mga mang-aawit, at mayroong mga awiting papuri at pasasalamat sa Diyos.