2 Chronicles 23:13
At tumingin siya, at masdan, ang hari ay nakatayo sa kaniyang haligi sa pasukan, at nasa tabi ng hari ang mga pinuno at mga taga-ihip ng trumpeta. Nagsasaya at umiihip ng mga trumpeta ang lahat ng tao sa lupain at ang mga mang-aawit ay tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika at nangunguna sa pagkanta ng papuri. At pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw, “Pagtataksil! Pagtataksil!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 7:8Kaya ang mga napili ay kumuha ng kanilang mga pangangailangan at kanilang mga trumpeta. Pinauwi ni Gideon ang mga lalaki ng Israel, bawat lalaki sa kaniyang tolda, pero pinanatili niya ang tatlong daang kalalakihan. Ngayon ang kampo ng Midianita ay nasa baba niya sa lambak.
1 Kings 1:39Kinuha ni Sadoc na pari ang sungay na lalagyan ng langis mula sa tolda at pinahiran ng langis si Solomon. Pagkatapos ay hinipan nila ang trumpeta, at sinabi ng lahat ng tao, “Mabuhay si Haring Solomon!”
2 Kings 9:13Pagkatapos bawat isa sa kanila ay mabilis na hinubad ang kaniyang panlabas na damit at inilagay ito sa paanan ni Jehu para lakaran. Hinipan nila ang trumpeta at sinabi, “Si Jehu ay hari.”
2 Kings 23:3Tumayo ang hari sa tabi ng haligi at gumawa ng tipan sa harap ni Yahweh, na susunod kay Yahweh, at susundin ang kaniyang mga utos, mga batas ng tipan, at mga tuntunin, nang kaniyang buong puso at buong kaluluwa, para pagtibayin ang mga salita ng tipang ito na nakasulat sa aklat na ito. Kaya sumang-ayon ang lahat ng mga tao na panindigan ang tipan.
1 Chronicles 15:16Kinausap ni David ang mga pinuno ng Levita upang italaga ang kanilang mga kapatid na tumugtog ng mga instrumentong pangmusika, instrumentong may mga kuwerdas, mga alpa at mga pompiyang, tumugtog ng malakas at masayang itataas ang kanilang mga tinig.
1 Chronicles 15:27Nakadamit si David ng balabal na gawa pinong lino, ganoon din ang mga Levitang nagbuhat sa kaban, ang mga mang-aawit, at si Kenaniaz, ang nangunguna sa awit kasama ang mga mang-aawit. Nakasuot si David ng linong efod.