The Bible Software
bible.software1 Chronicles1 Chronicles 28 › 1 Chronicles 28:2

1 Chronicles 28:2

Pagkatapos tumayo si haring David at sinabi, “Makinig kayo sa akin, mga kapatid at mga mamamayan. Layunin kong magtayo ng isang templo para sa kaban ng tipan ni Yahweh; isang tungtungan ng paa ng ating Diyos, at nakapaghanda na ako sa pagpapatayo nito.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Then David the king stood up upon his feet, and said, Hear me, my brethren, and my people: As for me, I had in mine heart to build an house of rest for the ark of the covenant of the LORD, and for the footstool of our God, and had made ready for the building:

In Context

1Pinulong ni David ang lahat ng mga pinuno sa Israel at Jerusalem: ang mga pinuno ng mga tribo, ang mga pinuno ng bawat pangkat na naglilingkod sa hari sa itinakdang panahon ng kanilang gawain, mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal, ang mga namamahala sa lahat ng mga pag-aari at mga ari-arian ng hari at ng kaniyang mga anak na lalaki, at ang mga pinuno at mga mandirigmang lalaki, kabilang ang mga pinakadalubhasa sa kanila.

3Ngunit sinabi ng Diyos sa akin, 'Hindi ka magtatayo ng isang templo para sa aking pangalan, sapagkat ikaw ay isang mandirigma at nagpadanak ng dugo.'

Read all of 1 Chronicles 28

Cross References

Genesis 48:2Nang sinabihan si Jacob, “Tingnan mo, ang iyong anak na si Jose ay dumating para makita ka,” Nag-ipon ng lakas si Israel at umupo sa kanyang higaan.

Deuteronomy 17:20Dapat niyang gawin ito para hindi magmataas ang kaniyang puso sa kaniyang mga kapatid at para hindi siya lilihis mula sa mga kautusan, sa kanan man o sa kaliwa, para sa layunin na humaba ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian, siya at kaniyang mga anak, sa Israel.

1 Kings 1:47Dagdag pa rito, ang mga lingkod ng hari ay dumating para pagpalain ang ating panginoong si Haring David, sinasabi nila, 'Nawa'y gawing mas dakila ng iyong Diyos ang pangalan ni Solomon kaysa sa iyong pangalan, at gawing mas dakila ang kaniyang trono kaysa sa iyong trono.' At iniyuko ng hari ang kaniyang sarili sa higaan.

1 Chronicles 6:31Ang mga sumusunod ay mga pangalan ng mga lalaking itinalaga ni David na mamahala sa musika sa tahanan ni Yahweh, matapos na ilagay doon ang kaban ng tipan.

1 Chronicles 17:1At nangyari nang nakatira na ang hari sa kaniyang tahanan, sinabi niya kay propeta Natan, “Tingnan mo, ako ay nakatira sa isang tahanan na sedar, ngunit ang kaban ng tipan ni Yahweh ay nananatili sa ilalim ng isang tolda.”

1 Chronicles 22:2Kaya inutosan ni David ang kaniyang mga lingkod na tipunin ang mga dayuhang nakatira sa lupain ng Israel. Itinalaga niya sila na maging mga taga-tapyas ng bato, upang tumapyas ng mga malalaking bato, upang maitayo ang tahanan ng Diyos.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 1 Chronicles 28:2

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 1 Chronicles 28:11 Chronicles 281 Chronicles 28:3 →