1 Mga Cronica 28:20
Sinabi ni David kay Solomon na kaniyang anak, “Magpakatatag ka at maging matapang. Gawin mo ang gawain. Huwag kang matakot o mabalisa, sapagkat si Yahweh na Diyos na aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa paglilingkod sa templo ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 31:7Tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa harapan ng buong Israel, “Magpakatatag at magpakatapang, sapagkat sasamahan mo itong lahi papunta sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno para ibigay sa kanila; Ikaw ang magdudulot sa kanila para manahin ito.
Joshua 1:5Walang sinumang makakatayo sa harap ninyo sa lahat ng araw ng inyong buhay. Sasamahan kita tulad ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita pababayaan o iiwan kita.
Joshua 1:9Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”
1 Chronicles 22:13At magtatagumpay ka, kung maingat mong susundin ang mga tuntunin at mga kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa Israel. Maging matatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot o panghinaan ng loob.
Ezra 10:4Tumayo ka, sapagkat ang bagay na ito ay para iyo upang gawin mo, at kasama mo kami. Magpakatatag ka at gawin ito.''
Isaiah 41:10Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo. Huwag kang mabalisa, sapagkat ako ang iyong Diyos. Pagtitibayin kita, at tutulungan kita, at aalalayan kita sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng aking marapat na tagumpay.