1 Mga Cronica 29:1
Sinabi ni Haring David sa buong kapulungan, “Si Solomon na aking anak, na tanging pinili ng Diyos ay bata pa at walang karanasan at malaki ang gawain. Sapagkat hindi para sa mga tao ang templo ngunit para kay Yahweh na Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 3:7At ngayon, Yahweh na aking Diyos, ginawa mong hari ang iyong lingkod kapalit ni David na aking ama, kahit na isa lamang akong bata. Hindi ko alam kung paano lumabas o pumasok.
1 Chronicles 22:2Kaya inutosan ni David ang kaniyang mga lingkod na tipunin ang mga dayuhang nakatira sa lupain ng Israel. Itinalaga niya sila na maging mga taga-tapyas ng bato, upang tumapyas ng mga malalaking bato, upang maitayo ang tahanan ng Diyos.
1 Chronicles 28:1Pinulong ni David ang lahat ng mga pinuno sa Israel at Jerusalem: ang mga pinuno ng mga tribo, ang mga pinuno ng bawat pangkat na naglilingkod sa hari sa itinakdang panahon ng kanilang gawain, mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal, ang mga namamahala sa lahat ng mga pag-aari at mga ari-arian ng hari at ng kaniyang mga anak na lalaki, at ang mga pinuno at mga mandirigmang lalaki, kabilang ang mga pinakadalubhasa sa kanila.
1 Chronicles 28:8Kaya ngayon, sa harap ng buong Israel, at ng kapulungang ito para kay Yahweh at sa harapan ng ating Diyos, kailangan na ingatan at sikapin ninyong isagawa ang lahat ng kautusan ni Yahweh na inyong Diyos. Gawin ninyo ito upang makamtan ninyo ang mabuting lupaing ito at maipamana magpakailanman sa inyong mga anak na susunod sa inyo.
1 Chronicles 29:19Bigyan mo si Solomon na aking anak ng buong pusong pagnanais na sundin ang iyong mga kautusan, ang iyong mga utos sa kasunduan, at ang iyong mga tuntunin, at isagawa ang lahat ng mga planong ito na itayo ang palasyo na aking ipinaghanda.
2 Chronicles 2:4Tingnan mo, malapit na akong magtayo ng isang tahanan para sa pangalan ni Yahweh na aking Diyos, upang ihandog ito sa kaniya, upang magsunog sa harap niya ng matatamis na mga sangkap, para sa tinapay ng presensiya at para sa mga alay na susunugin sa umaga at gabi, sa Araw ng Pamamahinga, sa mga bagong buwan, at sa nakatakdang mga kapistahan para kay Yahweh na aming Diyos. Ito ay batas ng Israel sa lahat ng panahon.