1 Kings 21:19
Dapat kang makipag-usap sa kaniya at sabihin na sinasabi ni Yahweh, 'Pumatay ka ba at nagkamkam ng ari-arian?' At sasabihin mo sa kaniya na sinasabi ni Yahweh, 'Sa lugar kung saan dinilaan ng mga aso ang dugo ni Nabot, didilaaan ng mga aso ang iyong dugo, oo, ang iyong dugo.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 3:11Sinabi ng Diyos, “Sinong nagsabi sa iyo na ikaw ay hubad? Kumain ka ba mula sa punong iniutos kong huwag mong kakainan?”
Judges 1:7Sinabi ni Adoni Bezek, “Pitumpung hari, na ang may hinlalaki sa kamay at mga malalaking dalari sa paa ang pinutol, na nag-iipon ng kanilang pagkain mula sa ilalim ng aking mesa. Gaya ng aking ginawa, ganun din ang ginawa ng Diyos sa akin.” Siya ay dinala nila sa Jerusalem, at doon siya namatay.
2 Samuel 12:11Sinabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibabangon ko ang kapahamakan laban sa iyo mula sa iyong sariling bahay. Sa harapan ng iyong mga mata, kukunin ko ang iyong mga asawa at ibibigay sila sa iyong kapwa at sisipingan niya ang iyong mga asawa sa maliwanag na araw.
2 Kings 6:32Pero nakaupo si Eliseo sa kaniyang bahay kasama ng mga nakatatanda. Nagpadala ng tao ang hari pero nang dumating ang mensahero kay Eliseo, sinabi niya sa mga nakatatanda, “Tingnan ninyo kung paanong nagpadala ng tao ang anak ng mamamatay-tao na ito para patayin ako? Kapag dumating siya, isara ninyo ang pinto at pigilan ninyong mabuksan niya ito. Hindi ba't kasunod niya ay ang mga yapak ng kaniyang panginoon?”
2 Kings 10:7Kaya nang dumating ang liham sa kanila, kinuha nila ang mga anak na lalaki ng hari at pinatay sila, pitumpung katao, inilagay ang kanilang mga ulo sa mga basket, at ipinadala nila kay Jehu sa Jezreel.
Esther 7:10Kaya binitay nila si Haman sa bitayang kanyang inihanda para kay Mordecai. Pagkatapos humupa ang matinding galit ng hari.