1 Kings 21:20
Sinabi ni Ahab kay Elias, “Natagpuan mo ba ako, aking kaaway?” Sumagot si Elias, “Natagpuan kita, dahil ipinagbili mo ang iyong sarili para gumawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 16:30Naghari si Ahab na anak ni Omri sa buong Israel nang dalawampu't dalawang taon. Gumawa ng masama si Ahab sa paningin ni Yahweh, na mas masahol pa sa mga nauna sa kaniya.
1 Kings 21:25Walang katulad si Ahab, na ibinenta ang kaniyang sarili para gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh, na kaniyang asawa na si Jezebel ay inudyukan na magkasala.
2 Kings 17:17Inalay nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae sa apoy bilang mga handog na susunugin, gumamit ng panghuhula at panggagayuma, pinagbili kanilang mga sarili para gawin ang masama sa paningin ni Yahweh, at siya ay galitin.
2 Chronicles 18:7Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Mayroon pang isang tao na maaari nating hingian ng payo ni Yahweh, si Micaias na anak ni Imla ngunit kinamumuhian ko siya dahil kahit kailan ay hindi siya nagpahayag ng magandang propesiya tungkol sa akin kundi mga paghihirap lamang.” Ngunit sinabi ni Jehoshafat, “Huwag naman sanang sabihin ng hari iyan.”
2 Chronicles 33:6Inihandog niya ang kaniyang mga anak bilang mga handog na susunugin sa lambak ng Ben Hinnom; nagsagawa siya ng panghuhula, pangkukulam at salamangka, at sumangguni sa mga nakikipag-usap sa mga patay at sa mga nakikipag-usap sa espiritu. Marami siyang isinasagawang masasama sa paningin ni Yahweh, at ginalit niya ang Diyos.
Isaiah 52:3Dahil ito ang sinasabi ni Yahweh, “Kayo ay ipinagbili ng walang bayad, at kayo ay tutubusin ng walang salapi.”