1 Pedro 2:6
Sinasabi ng kasulatan, “Masdan ninyo, inilatag ko sa Sion ang isang panulukang bato, pinuno at pinili at mahalaga. Sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 40:14Hayaan mo silang mapahiya at ganap na mabigo, silang mga naghahangad na kunin ang aking buhay. hayaan mo silang tumalikod at madala sa kahihiyan, silang mga nagagalak na saktan ako.
Isaiah 28:16Kaya sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo: Maglalagay ako ng isang pundasyong bato sa Sion, isang subok na bato, isang tanging panulukang bato, isang tiyak na pundasyon. Siya na naniniwala ay hindi mapapahiya.
Isaiah 42:1Masdan, aking lingkod, na aking itinataas; ang aking pinili, sa kaniya ako ay nagagalak. Ang aking Espiritu ay nasa kaniya; siya ang magdudulot ng katarungan sa mga bansa.
Isaiah 50:7Dahil tutulungan ako ng Panginoong si Yahweh; kaya hindi ako napahiya; kaya ginawa kong matigas na bato ang mukha ko, dahil alam kong hindi ako malalagay sa kahihiyan.
Daniel 10:21Subalit sasabihin ko sa iyo kung ano ang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan- walang sinuman ang magpapakita sa akin ng kaniyang sarili na malakas, maliban kay Miguel na iyong prinsipe.”
Matthew 12:18“Tingnan ninyo, ang aking lingkod na aking pinili; ang aking pinakamamahal, na siyang lubos na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Ilalagay ko sa kaniya ang aking Espiritu, at ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil.