Matthew 12:18
“Tingnan ninyo, ang aking lingkod na aking pinili; ang aking pinakamamahal, na siyang lubos na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Ilalagay ko sa kaniya ang aking Espiritu, at ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17ito ay upang magkatotoo ang sinabi sa pamamagitan ni Isaias na propeta, na nagsasabi,
Cross References
Psalms 89:19Matagal na ang nakalipas nang nagsalita ka sa matatapat sa iyo sa pamamagitan ng pangitain; sinabi mo, “Pinatungan ko ng korona ang isang taong magiting; humirang ako mula sa mga tao.
Isaiah 32:15hanggang ibuhos sa atin ang Espiritu mula sa kaitaasan, at ang ilang ay magiging isang bukid na mabunga, at ang bukid na mabunga ay ituturing na isang gubat.
Isaiah 49:1Makinig kayo sa akin, kayong mga baybayin! At magbigay kayo ng pansin, kayong mga malalayong tao. Tinawag ako ni Yahweh sa pangalan mula sa kapanganakan, nang dinala ako ng aking ina sa mundo.
Isaiah 52:13Masdan, ang aking lingkod ay makikipagkasundo ng may karunungan at katagumpayan: siya ay itataas at dadakilain; siya ay magiging kapuri-puri.
Isaiah 59:20Isang manunubos ay darating sa Sion at sa mga tumalikod mula sa kanilang pagrerebeldeng mga gawain kay Jacob—Ito ang kapahayagan ni Yahweh.
Isaiah 61:1Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin, dahil hinirang ako ni Yahweh para ipahayag ang mabuting balita sa mapagpakumbaba. Sinugo niya ako para pagalingin ang sugatang-puso, para ipahayag ang kalayaan sa mga nakabilanggo, at ang pagbubukas ng bilangguan sa mga nakagapos.