1 Timoteo 2:4
Ninanais niya na ang lahat ng tao ay maligtas at magkaroon ng kaalaman tungkol sa katotohanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Who will have all men to be saved, and to come unto the knowledge of the truth.
In Context
3Ito ay mabuti at katanggap-tanggap sa harap ng ating Diyos na tagapagligtas.
5Sapagkat may iisang Diyos at iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, ang taong si Cristo Jesus.
Cross References
Isaiah 49:6Sinasabi niya, “Maliit na bagay para sa iyo na maging aking lingkod para itatag muli ang mga tribo ni Jacob, at ibalik ang mga nakaligtas sa Israel. Gagawin kitang ilaw ng mga dayuhan, na ikaw ang aking kaligtasan sa dulo ng mundo.”
Isaiah 55:1Lumapit kayo, ang bawat isang nauuhaw, magsiparito kayo sa tubig! At kayo na walang salapi, bumili kayo at kumain! Halikayo, bumili kayo ng alak at gatas na walang pera at walang bayad.
Ezekiel 18:32Sapagkat hindi ako nagagalak sa pagkamatay ng isang namatay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh- kaya magsisi at mabuhay!”
Habakkuk 2:14Kahit ganoon ang lupain ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ni Yahweh kagaya ng tubig na tinatakpan ang dagat.
Mark 16:15Sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng nilikha.
Luke 14:23Sinabi ng panginoon sa utusan, 'Pumunta ka sa mga kalsada at sa mga bakuran at pilitin mo silang pumasok, upang mapuno ang aking bahay.