Luke 14:23
Sinabi ng panginoon sa utusan, 'Pumunta ka sa mga kalsada at sa mga bakuran at pilitin mo silang pumasok, upang mapuno ang aking bahay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
22Sinabi ng utusan, 'Panginoon, ang iyong iniutos ay nagawa na, ngunit mayroon pa ring silid.'
Cross References
Genesis 19:2Sinabi niya, “Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan.” At sinabi nila, “Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan.
Psalms 110:3Ang iyong bayan ay susunod sa iyo sa banal na kasuotan ng kanilang sariling kalooban sa araw ng iyong kapangyarihan; mula sa sinapupunan ng bukang liwayway ang iyong pagkabata ay mapapasaiyo gaya ng hamog.
Isaiah 19:24Sa panahon na iyon, magiging pangatlo ang Israel kasama ng Ehipto at Asiria, isang pagpapala sa gitna ng sanlibutan;
Isaiah 49:5At ngayon ay nagsalita si Yahweh, siya na hinubog ako mula sa kapanganakan para maging lingkod niya, para ibalik si Jacob ulit sa kaniyang sarili, at tipunin ang Israel sa kaniya. Marangal ako sa mga mata ni Yahweh, at ang aking Diyos ang naging kalakasan ko.
Zechariah 14:8At mangyayari din sa araw na iyon na ang umaagos na tubig ay dadaloy mula sa Jerusalem. Dadaloy ang kalahati ng tubig sa dagat sa silangan, at dadaloy ang kalahati sa dagat sa kanluran, tag-araw man o taglamig.
Matthew 21:43Kaya sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin niya sa inyo at ibibigay sa ibang bansa na mag-aalaga sa mga bunga nito.