2 Chronicles 1:2
At nagsalita si Solomon sa buong Israel at sa mga pinunong kawal ng libu-libo at sa daan-daan at sa mga hukom at sa bawat prinsipe sa buong Israel, sa mga pinuno ng mga ama ng tahanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 3:4Pumunta ang hari sa Gibeon para mag-alay doon, dahil iyon ang malaking dambana. Naghandog si Solomon ng isang libong susunuging handog sa altar na iyon.
1 Chronicles 15:3Pagkatapos, ang lahat ng Israel ay tinipon ni David sa Jerusalem upang dalhin ang kaban ni Yahweh sa lugar na kaniyang inihanda para dito.
1 Chronicles 24:4Mas marami ang mga namumunong kalalakihan mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar kaysa sa mga kaapu-apuhan ni Itamar, kaya hinati nila ang mga kaapu-apuhan ni Eleazar sa labing anim na pangkat. Ginawa nila ito ayon sa mga pinuno ng mga angkan at ayon sa mga kaapu-apuhan ni Itamar. Ang mga pangkat na ito ay walo ang bilang na kumakatawan sa kanilang angkan.
1 Chronicles 27:1Ito ang talaan ng mga pinuno ng pamilya ng mga Israelita, mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, gayun din ang mga pinuno ng hukbo na naglilingkod sa hari sa iba't ibang paraan. Bawat pangkat ng mga hukbo ay naglilingkod sa bawat buwan sa buong taon. Sa bawat pangkat ay mayroong 24, 000 na mga kalalakihan.
1 Chronicles 29:1Sinabi ni Haring David sa buong kapulungan, “Si Solomon na aking anak, na tanging pinili ng Diyos ay bata pa at walang karanasan at malaki ang gawain. Sapagkat hindi para sa mga tao ang templo ngunit para kay Yahweh na Diyos.
2 Chronicles 30:2Sapagkat ang hari, ang kaniyang mga pinuno, at ang lahat ng kapulungan sa Jerusalem ay nagsanggunian, at napagpasiyahang ipagdiwang ang Paskwa sa ikalawang buwan.