2 Chronicles 13:10
Ngunit para sa amin, si Yahweh ang aming Diyos at hindi namin siya tinalikuran. Mayroon kaming mga pari na mga anak ni Aaron na naglilingkod kay Yahweh at ang mga Levita na nasa kanilang mga gawain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:1Ngayon ito ang dapat mong gawin sa pagtatalaga sa kanila sa akin para sila ay makapaglingkod bilang mga pari. Kumuha ka ng isang batang toro at dalawang lalaking tupa na walang bahid,
Numbers 16:40upang maging isang paalala sa mga tao ng Israel, na ang mga nagmula lamang kay Aaron ang maaaring pumuntang magsunog ng insenso sa harap ni Yahweh, para hindi sila magiging katulad ni Korah at ng kaniyang pangkat—gaya ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
Joshua 24:17dahil si Yahweh na aming Diyos ang naglabas sa amin at sa aming mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, mula sa pagkaalipin, at siyang gumawa ng mga dakilang palatandaan sa aming paningin, at siyang nagpanatili sa amin sa lahat ng mga daan na aming pupuntahan, at kasama ng lahat ng mga bansa na aming dinaanan.
Nehemiah 13:30Kaya nilinis ko sila mula sa lahat ng dayuhan, at itinatag ang mga tungkulin ng mga pari at ng mga Levita, bawat isa sa kani-kanyang mga tungkulin.