The Bible Software
bible.software2 Chronicles2 Chronicles 14 › 2 Chronicles 14:8

2 Chronicles 14:8

May mga kawal si Asa na nagdadala ng mga kalasag at mga sibat. Mula sa tribu ni Juda ay mayroon siyang 300, 000 na tauhan at mula sa tribu ni Benjamin ay 280, 000 na tauhan na nagdadala ng mga kalasag at mga pana. Malalakas at matatapang ang mga kalalakihang ito.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And Asa had an army of men that bare targets and spears, out of Judah three hundred thousand; and out of Benjamin, that bare shields and drew bows, two hundred and fourscore thousand: all these were mighty men of valour.

In Context

7Sapagkat sinabi ni Asa sa Juda, “Itayo natin ang mga lungsod na ito at gumawa tayo ng mga pader sa paligid nito, mga tore, tarangkahan at rehas. Sa atin pa rin ang lupain dahil hinanap natin si Yahweh na ating Diyos. Hinanap natin siya at binigyan niya tayo ng kapayapaan sa bawat dako.” Kaya nagtayo sila at nagtagumpay.

9Nilusob sila ni Zera na taga-Etiopia na may hukbong isang milyong kawal at tatlong daang karwahe at nagtungo siya sa Maresa.

Read all of 2 Chronicles 14

Cross References

2 Chronicles 11:1Nang makarating si Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang sambahayan ni Juda at Benjamin, 180, 000 na piling mga lalaking mandirigma na makikipaglaban sa Israel upang maibalik kay Rehoboam ang kaharian.

2 Chronicles 12:2Nangyari na sa ikalimang taon ng paghahari ni Haring Rehoboam, sinalakay ni Shishak na hari ng Ehipto ang Jerusalem dahil hindi naging tapat ang mga tao kay Yahweh.

2 Chronicles 13:3Nagtungo si Abias sa digmaan dala ang malakas na hukbo, magigiting na mga kawal at 400, 000 na piniling mga kalalakihan. Humanay naman si Jeroboam laban sa kaniya ng 800, 000 na piling mga kalalakihan, malalakas at magigiting na mga kawal.

2 Chronicles 17:14Ito ang listahan ng lahat sa kanila, ayon sa pangalan ng sambahayan ng kanilang ama: Mula sa Juda, ang mga pinuno ng libo; si Adna ang pinunong kawal at kasama niya ang 300, 000 na lalaking panglaban;

2 Chronicles 25:5Bukod dito, tinipon ni Amazias ang mga taga-Juda at itinala sila ayon sa mga bahay ng kanilang mga ninuno, sa ilalim ng mga pinuno ng hukbong libu-libo at mga pinuno ng hukbong daan-daan, ang lahat ng taga-Juda at taga-Benjamin. Sila ay binilang niya mula dalawampung taong gulang at pataas at may 300, 000 na piling lalaki na may kakayahang sumabak sa digmaan, at may kakayahang humawak ng sibat at panangga.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 2 Chronicles 14:8

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 2 Chronicles 14:72 Chronicles 142 Chronicles 14:9 →