2 Chronicles 20:22
Nang nagsimula silang umawit at magpuri, nagtalaga si Yahweh ng mga kalalakihang lihim na sasalakay sa mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir na paparating laban sa Juda. Sila ay natalo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 6:16Ito ay nasa ikapitong araw nang pinatunog nang malakas ng mga pari ang mga trumpeta, at iniutos ni Josue sa mga tao, “Sumigaw! Dahil ibinigay sa inyo ni Yahweh ang lungsod.
1 Samuel 14:16Pagkatapos tumingin ang mga bantay ni Saul sa Gibea ng Benjamin; ang pangkat ng mga ni Jonatan ay naghiwa-hiwalay, at sila ay nagpaparoon at parito.
2 Samuel 22:4Tatawag ako kay Yahweh, na karapatdapat purihin, at maliligtas ako mula sa aking mga kaaway.
2 Chronicles 5:13Nangyari na ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang gumawa ng musika, tumutugtog nang iisang tunog na maririnig para sa pagpupuri at pagpapasalamat kay Yahweh. Nilakasan nila ang kanilang mga tinig kasama ng mga trumpeta at mga pompiyang at iba pang mga instrumento, at pinuri nila si Yahweh. Umawit sila, “Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang katapatan sa kaniyang kasunduan ay nananatili magpakailanman.” At ang tahanan, na tahanan ni Yahweh ay napuno ng ulap.
2 Chronicles 13:15At sumigaw ang mga kalalakihan ng Juda at habang sumisigaw sila, nangyari nga na hinampas ng Diyos si Jeroboam at ang lahat ng Israel sa harapan ni Abias at ng taga-Juda.
Psalms 18:4Nakapalibot sa akin ang mga lubid ng kamatayan, at inanod ako ng rumaragasang tubig ng kawalan ng halaga.