2 Chronicles 20:21
Nang masabihan niya ang mga tao, itinalaga niya ang mga aawit kay Yahweh at magpupuri para sa kaniyang banal na kaluwalhatian, na mauuna bago ang mga hukbo, at magsasabi, “Pasalamatan si Yahweh; dahil ang kaniyang tipan ng katapatan mananatili magpakailanman.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 16:29Ibigay kay Yahweh ang kaluwalhatiang nararapat sa kaniyang pangalan. Magdala ng handog at lumapit sa kaniyang harapan. Yumuko kay Yahweh sa kaniyang banal na kaluwalhatian.
1 Chronicles 16:41Kasama nila sina Heman at Jeduthun, gayon din ang mga pinili sa pangalan upang magpasalamat kay Yahweh dahil ang kaniyang matapat na kasunduan ay magtatagal magpakailanman.
2 Chronicles 7:3Tumingin ang lahat ng mga tao ng Israel nang bumaba ang apoy at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay nasa tahanan. Yumuko sila na nakasayad ang kanilang mga mukha sa sahig na bato, sumamba, at nagpasalamat kay Yahweh. Sinabi nila, “Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang tipan ng katapatan ay magpakailanman.”
2 Chronicles 29:25Inilagay ni Ezequias ang mga Levita sa tahanan ni Yahweh na may mga pompyang, mga alpa at mga lira, isinasaayos ang mga ito ayon sa utos ni David, ni Gad na propeta ng hari, at ng propetang si Natan, sapagkat ang utos ay mula kay Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta.
Ezra 3:10Ang mga tagapagtayo ay inaglagay ang pundasyon para sa templo ni Yahweh. Binigyang daan nito ang mga paring nakatayo na suot ang kanilang mga kasuotan kasama ang mga trumpeta, at mga Levita, mga anak ni Asaf, upang papurihan si Yahweh sa pamamagitan ng pompyang, gaya ng iniutos ng mga kamay ni David, na hari ng Israel.
Psalms 18:4Nakapalibot sa akin ang mga lubid ng kamatayan, at inanod ako ng rumaragasang tubig ng kawalan ng halaga.