2 Chronicles 23:18
Nagtalaga si Joiada ng mga opisyal para sa tahanan ni Yahweh sa ilalim ng kamay ng mga pari, na mga Levita, na siyang itinalaga ni David sa tahanan ni Yahweh, upang mag-alay ng mga handog na susunugin kay Yahweh, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, kasama ng pagsasaya at pag-aawitan, gaya ng ibinigay na tagubilin ni David.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 28:1Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
Numbers 28:28Maghandog din kayo ng handog na butil kasama ng mga ito: pinong harina na hinaluan ng langis, tatlo sa ikasampu ng isang epa ng pinong harinang hinaluan ng langis para sa bawat toro at dalawa sa ikasampu para sa isang lalaking tupa.
1 Chronicles 23:4Sa mga ito, dalawampu't apat na libo ang mangangasiwa ng trabaho sa tahanan ni Yahweh, at anim na libo ang mga opisyal at mga hukom.
1 Chronicles 25:1Si David at ang mga pinuno ng manggagawa ng tabernakulo ay pumili ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun para sa ilang mga gawain na ito. Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may arpa, mga instrumentong may kuwerdas at mga pompiyang. Ito ang listahan ng mga kalalakihang gumawa ng gawaing ito:
2 Chronicles 7:6Tumayo ang mga pari, nakatayo ang bawat isa kung saan sila naglilingkod; ganoon din ang mga Levita dala ang mga kagamitan ng musika ni Yahweh na ginawa ni David sa pagbibigay ng mga pasasalamat kay Yahweh sa awitin, “Mananatili ang kaniyang tipan ng kasunduan magpakailanman.” Nagpatunog ng mga trumpeta ang lahat ng pari sa harap nila; at tumayo ang lahat ng Israelita.
2 Chronicles 29:30Bukod pa rito, inutusan ni haring Ezequias at ng mga pinuno ang mga Levita na umawit ng mga papuri kay Yahweh gamit ang mga awit ni David at ng propetang si Asaf. Umawit sila ng mga papuri nang may kagalakan at nagsiyukod sila at sumamba.