The Bible Software
bible.software2 Chronicles2 Chronicles 29 › 2 Chronicles 29:30

2 Chronicles 29:30

Bukod pa rito, inutusan ni haring Ezequias at ng mga pinuno ang mga Levita na umawit ng mga papuri kay Yahweh gamit ang mga awit ni David at ng propetang si Asaf. Umawit sila ng mga papuri nang may kagalakan at nagsiyukod sila at sumamba.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Moreover Hezekiah the king and the princes commanded the Levites to sing praise unto the LORD with the words of David, and of Asaph the seer. And they sang praises with gladness, and they bowed their heads and worshipped.

In Context

29Nang matapos nila ang mga pag-aalay, yumukod at sumamba ang hari at ang lahat ng kasama niyang naroon.

31At sinabi ni Ezequias, “Ngayon, pinabanal ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh. Pumunta kayo rito sa tahanan ni Yahweh at magdala ng mga alay at handog ng pagpapasalamat.” Nagdala ang kapulungan ng mga alay at mga handog ng pagpapasalamat, lahat ng may pusong nagnanais ay nagdala ng mga alay na susunugin.

Read all of 2 Chronicles 29

Cross References

1 Chronicles 16:7At sa araw na iyon, unang hinirang ni David si Asaf at ang kaniyang mga kapatid upang awitin ang awit na ito ng pasasalamat kay Yahweh.

2 Chronicles 23:18Nagtalaga si Joiada ng mga opisyal para sa tahanan ni Yahweh sa ilalim ng kamay ng mga pari, na mga Levita, na siyang itinalaga ni David sa tahanan ni Yahweh, upang mag-alay ng mga handog na susunugin kay Yahweh, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, kasama ng pagsasaya at pag-aawitan, gaya ng ibinigay na tagubilin ni David.

2 Chronicles 30:23Nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nga nila nang may kagalakan.

Ezra 6:16Itinalaga ng mga Israelita, mga pari, mga Levita, at ng iba pang nalalabing mga bihag ang tahanan ng Diyos nang may kagalakan.

Psalms 32:11Magalak kay Yahweh, at magalak kayo, kayong mga matutuwid; sumigaw sa galak, ang lahat ng pusong matuwid.

Psalms 95:1O halika, tayo ay umawit kay Yahweh; tayo ay umawit ng may kagalakan para sa bato ng ating kaligtasan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 2 Chronicles 29:30

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 2 Chronicles 29:292 Chronicles 292 Chronicles 29:31 →