2 Chronicles 26:5
Inilaan niya ang kaniyang sarili upang hanapin ang Diyos sa mga araw ni Zacarias, na siyang nagbigay sa kaniya ng mga tagubilin para sa pagsunod sa Diyos. Habang hinahanap niya si Yahweh, pinagpala siya ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 41:38Sinabi ni Paraon sa kaniyang mga lingkod, “Makakasumpong kaya tayo ng ganitong tao, na kinakasihan ng Espiritu ng Diyos?”
Joshua 1:8Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbubulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay.
1 Chronicles 22:11“Ngayon, aking anak, samahan ka nawa ni Yahweh at bigyan ka niya ng kakayahan upang magtagumpay. Maitayo mo nawa ang tahanan ni Yahweh na iyong Diyos, gaya ng sinabi niya na gagawin mo.
2 Chronicles 14:6Nagpatayo siya ng matitibay na pader sa lungsod ng Juda, sapagkat mapayapa ang lupain at walang digmaan sa mga panahong iyon dahil binigyan siya ni Yahweh ng kapayapaan.
2 Chronicles 24:2Ginawa ni Joas kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh sa lahat ng araw ni Joiada na pari.
2 Chronicles 27:6Kaya naging makapangyarihan si Jotam dahil lumakad siya ng may katatagan kay Yahweh na kaniyang Diyos.