1 Mga Cronica 22:11
“Ngayon, aking anak, samahan ka nawa ni Yahweh at bigyan ka niya ng kakayahan upang magtagumpay. Maitayo mo nawa ang tahanan ni Yahweh na iyong Diyos, gaya ng sinabi niya na gagawin mo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 20:13Kung makakalugod sa aking ama na saktan ka, gawin nawa ni Yahweh kay Jonatan at mas higit pa din kung hindi ko ipapaalam ito sa iyo at papaalisin kita, upang makahayo ka nang payapa. Sumaiyo nawa si Yahweh, gaya ng kasama niya ang aking ama.
1 Chronicles 28:20Sinabi ni David kay Solomon na kaniyang anak, “Magpakatatag ka at maging matapang. Gawin mo ang gawain. Huwag kang matakot o mabalisa, sapagkat si Yahweh na Diyos na aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa paglilingkod sa templo ni Yahweh.
2 Chronicles 6:10Tinupad ni Yahweh ang salitang kaniyang sinabi, sapagkat bumangon ako kapalit ni David na aking ama, at umupo ako sa trono ng Israel, ayon sa ipinangako ni Yahweh. Ipinatayo ko ang tahanan para sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Matthew 1:23“Masdan ito, magdadalang tao ang isang birhen at magsisilang ng isang lalaki at tatawagin nilang Emmanuel”— na nangangahulugang, “kasama natin ang Diyos.”
Romans 15:33Nawa ay sumainyong lahat ang Diyos ng kapayapaan. Amen.