2 Chronicles 29:31
At sinabi ni Ezequias, “Ngayon, pinabanal ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh. Pumunta kayo rito sa tahanan ni Yahweh at magdala ng mga alay at handog ng pagpapasalamat.” Nagdala ang kapulungan ng mga alay at mga handog ng pagpapasalamat, lahat ng may pusong nagnanais ay nagdala ng mga alay na susunugin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 35:22Pumunta sila kasama ang mga lalaki at mga babae, lahat na may pusong handa. Nagdala sila ng mga panusok, mga hikaw, mga singsing, at mga palamuti, lahat ng uri ng gintong alahas. Iniharap nilang lahat ang mga alay na ginto kay Yahweh.
Leviticus 7:11Ito ang batas ng alay na handog para sa kapayapaan na ihahandog ng mga tao kay Yahweh.
Leviticus 23:38Mga pistang ito'y magiging dagdag sa mga Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh at inyong mga regalo, lahat ninyong mga panata at lahat ninyong kusang loob na mga handog na inyong ibibigay kay Yahweh.
Ezra 1:4Ang mga tao saanmang bahagi ng kaharian kung saan naninirahan ang mga nakaligtas sa lupaing iyon ay dapat magbigay sa kanila ng pilak at ginto, mga ari-arian at mga hayop, gayundin ang kusang-kaloob na handog para sa templo ng Diyos sa Jerusalem.