Exodus 35:22
Pumunta sila kasama ang mga lalaki at mga babae, lahat na may pusong handa. Nagdala sila ng mga panusok, mga hikaw, mga singsing, at mga palamuti, lahat ng uri ng gintong alahas. Iniharap nilang lahat ang mga alay na ginto kay Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 31:50Dinala namin ang mga handog ni Yahweh, kung ano ang natagpuan ng bawat lalaki, mga ginintuang bagay, mga pansuot sa braso, mga pulseras, mga singsing na may selyo, mga hikaw at mga kuwintas, upang gumawa ng pambayad ng kasalanan para sa aming sarili sa harapan ni Yahweh.”
2 Chronicles 24:9At gumawa sila ng proklamasyon sa buong Juda at Jerusalem, para sa mga tao upang dalhin kay Yahweh ang buwis na ipinataw ni Moises na lingkod ng Diyos sa Israel sa ilang.
Nehemiah 7:70Ang ilan sa mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ay nagbigay ng mga kaloob para sa gawain. Ang gobernador ay nagbigay sa pananalapi ng isang libong daric ng ginto, 50 mga mangkok, at 530 mga kasuotang pang-pari.
Isaiah 60:9Ang mga baybaying-lugar ay maghahanap sa akin, at nangunguna ang mga barko sa Tarsis, para dalhin ang inyong mga anak na lalaki mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na dala nila, para sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos, at para sa Banal ng Israel, dahil kayo ay pinarangalan niya.
Ezekiel 16:11Ang sumunod, pinalamutian kita ng mga alahas at nilagyan ko ng pulseras ang iyong mga kamay at kuwintas sa iyong leeg.
Mark 12:41Pagkatapos umupo si Jesus sa tapat ng lalagyan ng kaloob sa templo; pinagmamasdan niya ang mga tao habang inihuhulog nila ang kanilang pera sa kahon. Maraming mayayamang tao ang naglalagay ng malalaking halagang pera.