2 Chronicles 30:12
Nasa Juda rin naman ang kamay ng Diyos, upang bigyan sila ng isang puso, upang sumunod sa utos ng hari at mga pinuno ayon sa salita ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:2Hindi ninyo dagdagan ang mga salita na iniutos ko sa inyo, ni bawasan ang mga ito, sa gayon maaari ninyong sundin ang tungkol sa mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos na iniutos ko sa inyo
1 Chronicles 29:18Yahweh, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Israel—na aming mga ninuno—panatilihin ito magpakailanman sa mga kaisipan ng iyong mga tao. Ituon ang kanilang mga puso sa iyo.
2 Chronicles 29:25Inilagay ni Ezequias ang mga Levita sa tahanan ni Yahweh na may mga pompyang, mga alpa at mga lira, isinasaayos ang mga ito ayon sa utos ni David, ni Gad na propeta ng hari, at ng propetang si Natan, sapagkat ang utos ay mula kay Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta.
Ezra 7:27Sinabi ni Ezra, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng ating mga ninuno, ang siyang naglagay ng lahat ng ito sa puso ng hari para sa kapurihan ng tahanan ni Yahweh sa Jerusalem,
Jeremiah 24:7At bibigyan ko sila ng isang puso upang kilalanin ako, sapagkat ako si Yahweh. Sila ay magiging aking mga tao at ako ay magiging kanilang Diyos, kaya babalik sila sa akin nang buong puso.
Ezekiel 36:26Bibigyan ko kayo ng isang bagong puso at isang bagong espiritu sa mga kaloob-loobang bahagi ninyo, at aalisin ko ang pusong bato mula sa inyong laman. Sapagkat bibigyan ko kayo ng isang pusong laman.