2 Chronicles 30:21
Ipinagdiwang ng mga Israelitang naroon sa Jerusalem ang pista ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw na may labis na kagalakan. Araw-araw nagpuri ang mga Levita at mga pari kay Yahweh, kumakanta kay Yahweh na may mga instrumentong may malakas na tunog.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
20Kaya pinakinggan ni Yahweh si Ezequias at pinagaling niya ang mga tao.
Cross References
Exodus 13:6Sa loob ng pitong araw dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura; Sa ikapitong araw magkakaroon ng pista sa karangalan ni Yahweh.
Deuteronomy 12:7Kakainin ninyo roon sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos at magsasaya tungkol sa lahat ng mga bagay na inyong ginagawa, kayo at ang inyong mga sambahayan, kung saan kayo ay pinagpala ni Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 16:14Kayo ay magagalak sa panahon ng pista—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita, ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo na nasa inyo, na nasa loob ng inyong mga tarangkahan.
2 Chronicles 20:21Nang masabihan niya ang mga tao, itinalaga niya ang mga aawit kay Yahweh at magpupuri para sa kaniyang banal na kaluwalhatian, na mauuna bago ang mga hukbo, at magsasabi, “Pasalamatan si Yahweh; dahil ang kaniyang tipan ng katapatan mananatili magpakailanman.”
2 Chronicles 29:27Inutusan sila ni Ezequias na ihandog sa altar ang alay na susunugin. Nang magsimula ang pag-aalay, nagsimula rin ang awit para kay Yahweh na may kasamang mga trumpeta, kasama ang mga instrumento ni David na hari ng Israel.
2 Chronicles 30:26Kaya may labis na kagalakan sa Jerusalem, sapagkat simula sa panahon ni Solomon na anak ni David, na hari ng Israel, ay wala pang nangyaring katulad nito sa Jerusalem.