2 Mga Cronica 30:8
Ngayon huwag maging matigas ang inyong ulo, tulad ng inyong mga ninuno; sa halip, ibigay ninyo ang inyong sarili kay Yahweh at pumunta kayo sa kaniyang banal na lugar, na kaniyang itinalaga kay Yahweh magpakailanpaman, at sambahin ninyo si Yahweh, ang inyong Diyos, upang mawala ang kaniyang malaking galit sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 6:13Pararangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos; sasambahin ninyo siya, at mangangako kayo ayon sa kaniyang pangalan.
Deuteronomy 10:16Kaya nga tuliin ang masamang balat ng inyong puso at huwag maging suwail.
2 Kings 23:26Pero hindi bumaling si Yahweh mula sa bangis ng kaniyang matinding galit, na nag-alab laban sa Juda dahil sa lahat ng pagsambang pagano na kung saan inudyok siya ni Manases.
2 Chronicles 6:5'Mula noong araw na inilabas ko ang aking mga tao mula sa lupain ng Ehipto, wala akong piniling lungsod mula sa lahat ng lipi ng Israel kung saan magtatayo ng tahanan, upang naroon ang aking pangalan. Ni hindi ako pumili ng sinumang tao upang maging prinsipe sa aking bayang Israel.
2 Chronicles 7:16Sapagkat pinili ko ngayon at inilaan ang tahanang ito, upang ang aking pangalan ay naroon magpakailanman; at ang aking mga mata at puso ay naroon sa lahat ng panahon.
2 Chronicles 28:13Sinabi nila sa kanila, “Hindi ninyo dapat dalhin ang mga bilanggo rito, sapagkat ang gusto ninyo ay isang bagay na magdadala sa atin ng kasalanan laban kay Yahweh na magdaragdag sa ating mga kasalanan at mga paglabag; sapagkat napakalaki ng ating paglabag at mayroong matinding poot laban sa Israel.”