The Bible Software
bible.software2 Chronicles2 Chronicles 33 › 2 Chronicles 33:3

2 Chronicles 33:3

Sapagkat itinayo niyang muli ang dambana na giniba ni Ezequias, na kaniyang ama, nagpagawa siya ng altar para kay Baal, at nagtayo siya ng imahen ni Ashera, at lumuhod siya upang sambahin ang lahat ng mga bituin sa langit.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

For he built again the high places which Hezekiah his father had broken down, and he reared up altars for Baalim, and made groves, and worshipped all the host of heaven, and served them.

In Context

2Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga tao na pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.

4Nagtayo si Manases ng mga altar ng mga pagano sa tahanan ni Yahweh, bagaman iniutos ni Yahweh na, “Dito sa Jerusalem sasambahin ang aking pangalan magpakailanman.”

Read all of 2 Chronicles 33

Cross References

Deuteronomy 16:21Dapat hindi kayo magtayo para sa iyong mga sarili ng isang Asera, anumang uri ng baras, katabi ng altar ni Yahweh na inyong Diyos na inyong gagawin para sa inyong sarili.

Judges 2:11Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at sila'y naglingkod sa mga Baal.

1 Kings 14:23Dahil sila ay nagtayo rin ng mga dambana, mga sagradong haliging bato, at poste ni Asera sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat luntiang puno.

2 Kings 21:3Dahil itinayo niya muli ang mga dambana na winasak ng kaniyang ama na si Hezekias, at nagtayo siya ng mga altar para kay Baal, gumawa ng poste ni Asera, gaya ng ginawa ni Ahab na hari ng Israel, at lumuhod siya sa lahat ng mga bituin ng langit at sinamba ang mga ito.

2 Kings 23:11Inalis niya ang mga kabayo na ibinigay ng mga hari ng Juda sa araw. Nasa isang lugar ang mga iyon sa pasukan patungo sa templo ni Yahweh, malapit sa silid ni Natan Melec, ang katiwala. Sinunog ni Josias ang mga karwahe ng araw.

2 Chronicles 28:24Tinipon ni Ahaz ang mga kagamitan sa tahanan ng Diyos at pinagpuputol ang mga ito. Ipinasara niya ang mga pintuan ng tahanan ni Yahweh at gumawa siya ng mga altar para sa kaniyang sarili sa bawat sulok ng Jerusalem.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 2 Chronicles 33:3

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 2 Chronicles 33:22 Chronicles 332 Chronicles 33:4 →