The Bible Software
bible.software2 Chronicles2 Chronicles 35 › 2 Chronicles 35:3

2 Chronicles 35:3

Sinabi niya sa mga Levitang nagturo sa buong Israel, na tapat kay Yahweh, “Ilagay ninyo ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel. Huwag na ninyo itong buhatin sa inyong mga balikat. Ngayon ay sambahin ninyo si Yahweh, na inyong Diyos, at paglingkuran ang kaniyang sambayanang Israel.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And said unto the Levites that taught all Israel, which were holy unto the LORD, Put the holy ark in the house which Solomon the son of David king of Israel did build; it shall not be a burden upon your shoulders: serve now the LORD your God, and his people Israel,

In Context

2Itinalaga niya ang mga pari sa kani-kanilang mga posisyon at hinikayat silang maglingkod sa tahanan ni Yahweh.

4Ayusin ninyo ang inyong mga sarili ayon sa pangalan ng inyong mga sambahayan at inyong mga pangkat, na sinusunod ang mga nakasulat na tagubilin ni David, ang hari ng Israel at ni Solomon na kaniyang anak.

Read all of 2 Chronicles 35

Cross References

Numbers 4:15Kapag ganap na natakpan ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang banal na lugar at lahat ng mga kasangkapan nito, at kapag umabante ang kampo, dapat pumunta ang mga kaapu-apuhan ni Kohat upang dalhin ang banal na lugar. Kapag hinawakan nila ang mga sagradong kasangkapan, dapat silang mamatay. Ito ang gawain ng mga kaapu-apuhan ni Kohat, upang dalhin ang mga gamit sa tolda ng pagpupulong.

Numbers 16:9ito ba ay isang maliit na bagay para sa inyo na inilaan kayo ng Diyos ng Israel mula sa sambayanan ng Israel, upang palapitin kayo sa kaniya, upang magtrabaho sa tabernakulo ni Yahweh, at upang tumayo sa harapan ng sambayanan para maglingkod sa kanila?

1 Chronicles 23:26Hindi na kinakailangan pang buhatin ng mga Levita ang tabernakulo at lahat ng kagamitang ginagamit sa paglilingkod dito.

2 Chronicles 8:11Dinala ni Solomon ang anak ng Faraon sa labas ng lungsod ni David, sa tahanan na ipinatayo niya para rito, sapagkat sinabi niya, “Hindi maaaring tumira ang aking asawa sa tahanan ni David na hari ng Israel, sapagkat banal ang lugar kung saan naroroon ang kaban ni Yahweh.”

2 Chronicles 17:8Kasama nila ang mga Levita: Sina Semaias, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jehonatan, Adonijas, Tobias at Tobadonijas at kasama nila ang mga paring sina Elisama at Jehoram.

2 Chronicles 30:22Kinausap ni Ezequias nang may panghihimok ang mga Levita na nakauunawa sa paglilingkod kay Yahweh. Kaya kumain sila sa kabuuan ng pista sa pitong araw, nag-alay sila ng mga handog na pangkapayapaan, at ipinagtapat nila ang kanilang kasalanan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 2 Chronicles 35:3

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 2 Chronicles 35:22 Chronicles 352 Chronicles 35:4 →