2 Mga Cronica 36:20
Dinala ng hari sa Babilonia ang mga nakaligtas sa tabak. Sila ay naging lingkod niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa nangyari ang pamumuno ng kaharian ng Persia.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:47Dahil hindi ninyo sinamba si Yahweh na inyong Diyos ng may kasiyahan at kagalakan ng puso nang kayo ay nasa kasaganahan,
2 Chronicles 36:22Ngayon sa unang taon ni Ciro, ang hari ng Persia, upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, inudyukan ni Yahweh ang espiritu ni Ciro, ang hari ng Persia, kaya gumawa siya ng pahayag sa lahat ng kaniyang kaharian at isinulat din ang mga ito. Sinabi niya,
Ezra 2:1Ito ang mga tao sa lalawigan na umakyat mula sa pagkabihag ni Haring Nebucadnezar, na siyang nagpatapon sa kanila sa Babilonia, ang mga taong bumalik sa kani-kanilang mga lungsod sa Jerusalem at sa Judea.
Isaiah 47:6Nagalit ako sa aking bayan; dinungisan ko ang aking pamana at binigay ko sila sa iyong kamay, pero hindi mo sila pinakitaan ng awa; nagpatong ka ng napakabigat na pamatok sa mga matatanda.
Jeremiah 27:7Sapagkat maglilingkod sa kaniya ang lahat ng mga bansa, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga apo hanggang sa dumating ang panahon na magwakas ang kaniyang lupain. At maraming bansa at mga makapangyarihang hari ang tatalo sa kaniya.
Micah 4:10Magdusa ka at maghirap sa panganganak, anak na babae ng Zion, katulad ng isang babaeng nanganganak. Sapagkat ngayon aalis ka sa iyong lungsod, titira sa parang at pupunta sa Babilonia. Doon ay maliligtas ka. Ililigtas ka ni Yahweh doon mula sa kamay ng iyong mga kaaway.