2 Chronicles 6:21
Kaya pakinggan mo ang mga kahilingan ng iyong lingkod at ng iyong mga taong Israel kapag kami ay mananalangin paharap sa lugar na ito. Oo, pakinggan mo mula sa lugar kung saan ka nakatira, mula sa kalangitan; at kapag iyong napakinggan, patawarin mo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 30:27Pagkatapos, tumayo ang mga pari at mga Levita at pinagpala ang mga tao. Narinig ang kanilang tinig at umabot ang kanilang dalangin sa kalangitan, ang banal na lugar kung saan naninirahan ang Diyos.
Psalms 85:2Pinatawad mo ang kasalanan ng iyong mamamayan; tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan. Selah
Psalms 130:3Yahweh, kung tatandaan mo ang mga kasamaan, Panginoon, sino ang makatatagal?
Isaiah 18:4Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, “Tahimik akong magmamasid mula sa tahanan ko, gaya ng matinding init sa sikat ng araw, gaya ng ulap ng hamog sa init ng pag-aani.”
Isaiah 44:22Isinantabi ko, tulad ng makapal na ulap, ang iyong mga mapanghimagsik na mga gawain; at gaya ng isang ulap, ang iyong mga kasalanan; manumbalik ka sa akin, sapagkat tinubos kita.
Daniel 9:19Panginoon makinig! Panginoon magpatawad! Panginoon, magbigay pansin at kumilos ka! Para sa iyong kapakanan, huwag mong ipagpaliban, aking Diyos, sapagkat ang iyong lungsod at ang iyong tao ay tinawag sa pamamagitan ng iyong pangalan.”