Isaiah 18:4
Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, “Tahimik akong magmamasid mula sa tahanan ko, gaya ng matinding init sa sikat ng araw, gaya ng ulap ng hamog sa init ng pag-aani.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 6:21Kaya pakinggan mo ang mga kahilingan ng iyong lingkod at ng iyong mga taong Israel kapag kami ay mananalangin paharap sa lugar na ito. Oo, pakinggan mo mula sa lugar kung saan ka nakatira, mula sa kalangitan; at kapag iyong napakinggan, patawarin mo.
Psalms 132:13Totoong pinili ni Yahweh ang Sion; siya ay ninais niya para sa kaniyang upuan.
Isaiah 14:32Paano sasagutin ng isang tao ang mga mensahero ng bansang iyon? Si Yahweh ang nagtalaga ng Sion, at sa Sion makatatagpo ng kanlungan ang mga nahirapang bayan niya.
Isaiah 26:19Ang iyong patay ay mabubuhay; ang aming mga patay na katawan ay babangon. Ang mga namalagi sa alikabok; gising na at umawit ng may galak dahil ang iyong hamog ay hamog ng halamang damo, at ang mundo ay ibabagsak ang patay, ang mga sisilain.
Isaiah 31:9Panghihinaan sila ng loob dahil sa takot, at ang kaniyang mga prinsipe ay matatakot sa pagtanaw nila ng bandilang pandigma ni Yahweh.” - Ito ang pagpapahayag ni Yahweh, na ang apoy ay nasa Sion at ang pugon niya ay nasa Jerusalem.
Isaiah 57:15Dahil ito ang sinasabi ng Nag-iisang mataas at matayog, na nabubuhay magpakailanman, na ang pangalan ay banal.” Namumuhay ako sa dakila at banal na lugar, kasama rin niya ang durog at mapagpakumbabang espiritu, para muling buhayin ang espiritu ng mga mabababang loob at muling buhayin ang puso ng mga nagsisisi.