2 Chronicles 8:14
Bilang pagsunod sa mga utos ng kaniyang amang si David, itinalaga ni Solomon ang mga pangkat ng pari sa kanilang gawain at ang mga Levita sa kanilang mga posisyon upang purihin ang Diyos at upang maglingkod sa mga pari ayon sa kailangan sa bawat araw. Itinalaga din niya sa bawat tarangkahan ang mga tagapagbantay ng mga tarangkahan ayon sa kanilang pangkat, sapagkat iniutos din ito ni David na lingkod ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 33:1Ito ang pagpapala kung saan pinagpala ni Moises na tao ng Diyos ang bayan ng Israel bago ang kaniyang kamatayan.
1 Kings 13:1Isang lingkod ng Diyos ang lumabas sa Juda sa pamamagitan ng salita ni Yahweh para sa Bethel. Nakatayo si Jeroboam sa may altar para magsunog ng insenso.
1 Chronicles 9:17Taga-pagbantay naman ng mga pintuan sina Sallum, Akob, Talmon, Ahiman at ang kanilang mga kaapu-apuhan. Si Sallum ang kanilang pinuno.
1 Chronicles 15:16Kinausap ni David ang mga pinuno ng Levita upang italaga ang kanilang mga kapatid na tumugtog ng mga instrumentong pangmusika, instrumentong may mga kuwerdas, mga alpa at mga pompiyang, tumugtog ng malakas at masayang itataas ang kanilang mga tinig.
1 Chronicles 16:42Sina Heman at Jeduthun ang namamahala sa mga nagpapatunog ng mga trumpeta, mga pompiyang, at ang ibang mga instrumento para sa sagradong musika. Ang mga anak ni Jeduthun ang nagbantay sa tarangkahan.
1 Chronicles 23:6Hinati sila ni David sa pangkat na umayon sa mga anak na lalaki ni Levi: Gershon, Kohat at Merari.