2 Kings 21:18
Nahimlay si Manasses kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing sa hardin ng sarili niyang bahay, sa hardin ni Uza. Ang kaniyang anak na si Amon ang pumalit sa kaniya bilang hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 21:26Nilibing siya ng mga tao sa kaniyang puntod sa hardin ni Uza, at si Josias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
2 Chronicles 21:20Nagsimula siyang maghari nang siya ay tatlumpu't dalawang taong gulang; naghari siya sa Jerusalem ng walong taon at namatay siya nang walang nagdalamhati. Siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
2 Chronicles 24:25Nang nakaalis na ang mga Arameo, malubhang nasugatan si Joas. Nagsabuwatan ang kaniyang sariling mga lingkod laban sa kaniya dahil sa pagpatay sa mga anak ng paring si Joiada. Siya ay pinatay nila sa kaniyang higaan, at namatay siya. Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
2 Chronicles 32:33Namatay si Ezequias gaya ng kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa burol ng libingan ng mga kaapu-apuhan ni David. Sa kaniyang burol pinarangalan siya ng lahat ng mga taga-Juda at lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem. Pumalit sa kaniya bilang hari ang kaniyang anak na lalaki na si Manases.
Jeremiah 22:19Maililibing siya tulad ng paglibing ng isang patay na asno, kakaladkarin palayo at ihahagis sa kabila ng mga tarangkahan ng Jerusalem.