2 Pedro 2:18
Nagsasalita sila ng mga bagay na pawang walang kabuluhan at kayabangan lamang. Inuudyukan nila ang mga tao sa pamamagitan ng pita ng laman. Inuudyukan nila ang mga taong sumusubok na tumakas mula sa maling pamumuhay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 52:1Bakit mo ipinagyayabang ang iyong panggugulo, ikaw malakas na lalaki? Ang katapatan ng Diyos sa tipan ay dumarating araw-araw.
Ezekiel 35:13Narinig kita nang magmalaki ka laban sa akin sa pamamagitan ng iyong bibig; nagsalita ka ng maraming bagay laban sa akin. Narinig ko ang mga ito.
Daniel 11:36Gagawin ng hari ang lahat ng kaniyang ninanais. Itataas niya at palalakihin ang kaniyang sarili sa ibabaw ng bawat diyus-diyosan, at magsasalita ng mga bagay na kagulat-gulat laban sa Diyos ng mga diyos. Magtatagumpay siya hanggang sa maganap ang poot. Sapagkat matutupad ang ipinasyang magaganap.
Acts 8:9Ngunit mayroong isang lalaki sa lungsod na ang pangalan ay Simon na gumagawa na noon pang una ng pangkukulam; ginagamit niya ito upang mamangha ang mga tao sa Samaria upang angkinin na siya ay mahalagang tao.
2 Thessalonians 2:4Siya ang kakalaban at itataas ang kaniyang sarili laban sa lahat ng tinatawag na Diyos o sa mga sinasamba. Bilang resulta, siya ay uupo sa templo ng Diyos at itatanghal ang sarili bilang Diyos.
2 Peter 1:4Sa pamamagitan nito, binigyan niya tayo ng mahahalaga at dakilang mga pangako. Ginawa niya ito upang kayo ay makibahagi sa banal na katangian habang kayo ay tumatakas mula sa kasamaan na nasa mundo sa masamang hangarin.