2 Peter 2:17
Ang mga taong ito ay katulad ng mga bukal na walang tubig. Katulad sila ng mga ulap na tinatangay ng bagyo. May makapal na kadiliman ang sa kanila ay naghihintay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 14:3Pinadadala ng kanilang mga makapangyarihang tao ang kanilang mga lingkod para sa tubig. Kapag pumunta sila sa mga balon wala silang mahahanap na tubig. Babalik silang lahat na bigo, tinatakpan nila ang kanilang mga ulo na kahiya-hiya at hindi iginagalang.
Matthew 8:12Ngunit ang mga anak ng kaharian ay ipatatapon sa kadiliman sa labas na kung saan may pagtangis at pagngangalit ng ngipin.”
Matthew 25:30Itapon ang walang silbing utusan sa kadiliman sa labas, kung saan mayroong pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.
2 Peter 2:4Sapagkat hindi kinaawaan ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sa halip ay ipinasakamay niya ang mga ito sa Tartarus upang igapos sa mga tanikala hanggang sa paghuhukom.
Jude 1:12Ang mga ito ang siyang tinik sa inyong mga pista ng pag-ibig, nagpipista na walang kahihiyan, kumakain lamang para sa kanilang mga sarili. Sila ay mga ulap na walang tubig, tinatangay ng hangin, puno sa taglagas na walang bunga- dalawang beses namatay, binunot sa ugat-