2 Samuel 7:24
Itinatag mo ang Israel bilang iyong sariling lahi magpakailanman, at ikaw Yahweh, ang naging kanilang Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:7Magtatatag ako ng tipan sa pagitan natin at sa iyong mga magiging kaapu-apuhan, hanggang sa kanilang buong salinlahi, para sa isang walang hanggang tipan, na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan.
Exodus 15:2Si Yahweh ang aking lakas at awitin, at siya ang aking naging kaligtasan. Ito ang aking Diyos, at siya ay aking pupurihin, Diyos ng aking ama, at siya ay aking dadakilain.
Deuteronomy 27:9Nagsalita si Moises at ang mga pari, ang mga Levita, sa buong Israel at sinabing, “Kayo ay tumahimik at makinig, Israel: Ngayon naging lahi na kayo ni Yahweh na inyong Diyos.
1 Chronicles 17:22Ginawa mo ang Israel na iyong sariling mga tao magpakailanman, at ikaw, O Yahweh ang naging Diyos nila.
Isaiah 12:2Tingnan ninyo, ang Diyos ang aming kaligtasan; magtitiwala kami at hindi matatakot, dahil si Yahweh, oo, si Yahweh ang aming kalakasan at awitin. Siya ang aming naging kaligtasan.”
Jeremiah 31:33Ngunit ito ang kasunduan na aking itatatag sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na ito. Ito ang pahayag ni Yahweh. Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban at isusulat ito sa kanilang puso, sapagkat ako ang kanilang magiging Diyos at sila ay magiging aking mga tao.