2 Samuel 7:23
At anong bansa ang katulad ng iyong lahing Israel, na nag-iisang bansa sa sanlibutan na pinuntahan at iniligtas mo, O' Diyos, para sa iyong sarili? Ginawa mo ito para maging isang lahi sila para sa iyong sarili, para gumawa ng pangalan para sa iyong sarili, at gumawa ng dakila at nakakatakot na gawain para sa iyong lupain. Pinalayas mo ang mga bansa at kanilang mga diyus-diyosan mula sa harapan ng iyong mga tao, na iniligtas mo mula sa Ehipto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:7Sinabi ni Yahweh, “Tunay na nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan na nasa Ehipto. Narinig ko ang kanilang pagsigaw dahil sa kanilang mahihigpit na tagapangasiwa, dahil alam ko ang tungkol sa kanilang pagdurusa.
Exodus 9:15Sa ngayon maaari kung iunat ang aking kamay at lusubin ka at ang iyong bayan ng sakit, at kayo ay lipulin mula sa lupain.
Exodus 12:12Sinabi ito ni Yahweh: Pupunta ako sa buong lupain ng Ehipto sa gabing iyon at sasalakayin ang lahat ng mga panganay na anak ng tao at ng hayop sa lupain ng Ehipto. Dadalhin ko ang kaparusahan sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. Ako ay si Yahweh.
Exodus 33:16Dahil kung hindi, paano malalaman na ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ako at ang inyong bayan? Hindi ba nararapat lamang na sumama ka sa amin para ako at ang iyong bayan ay maiba mula sa lahat ng ibang bayan na nasa ibabaw ng mundo?
Deuteronomy 4:7Dahil ano pang napakalaking bansa na mayroong isang diyos na malapit sa kanila, gaya ni Yahweh na ating Diyos na kapag siya ay ating tatawagin?
Deuteronomy 9:26Nagdasal ako kay Yahweh at sinabing, 'O Panginoong Yahweh, huwag mong wasakin ang iyong mga tao o ang iyong pamana na iyong iniligtas sa pamamagitan ng iyong kadakilaan, na dinala mo palabas ng Ehipto gamit ang isang makapangyarihang kamay.